Pwesto ng traffic light sa panulukan ng Quezon Ave at Araneta, binatikos ng mga motorista

by Radyo La Verdad | May 12, 2016 (Thursday) | 1807

MON_TRAFFIC-LIGHT
Sa unang tingin ay tila walang problema at maaayos naman ang mga traffic light sa intersection ng Quezon Avenue at Araneta Avenue.

Subalit namumukod tangi ang isang traffic light na nailagay i sa posisyon na hindi nakikita ng mga motorista at natatakpan ng footbridge.

Sa post ng motoring website na Topgear Philippines, umani ng batikos ang Metro Manila Development Authority dahil sa umano’y maling pwesto ng traffic light.

Maging ang mga motorista hindi natuwa.

Kapag natanggal na ang footbridge, plano itong pagandahin pa ng MMMDA.

Gaya ng ginawa nila sa isang “adopted” na footbridge ng Welcome Rotonda at Quezon Avenue.

Sa tulong ng “adopt-a-footbridge” program ng MMDA, ang pribadong sektor ang magaayos at magpapaganda sa mga footbridge sa Metro Manila sa ilalim ng Public-Private Partnership.

Ang mga interesadong private partner ang magpopondo ng lahat ng gastos sa pagpapaayos sa footbridge.

Kasama sa rehabilitation ang paglalagay ng bubong upang maprotektahan ang mga pedestrian sa init at ulan, mayroon ding mga halaman upang makabawas sa air pollution.

Naglagay rin ang private partner ng mga CCTV at ilaw, mayroon ding 24 hour na security guard sa footbridge.

Kalaunan ay maglalagay ang MMDA ng daan para sa mga person with disabilities gaya ng mga nagawa na sa unang adopt-a-footbridge project ng ahensya.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,