Anim na libong mga pulis ang idi-deploy ng NCRPO sa pagdaraos ng ikalawang SONA ni Pangulong Duterte sa July 24.
Layon nito mas paigtingan pa ang pagbabantay sa seguridad, dahil na rin anila sa umano’y presensya ng Maute sa Metro Manila.
Sa kabila nito muling tiniyak ng NCRPO na sa ngayon ay wala silang namo-monitor na anumang banta sa seguridad kaugnay ng idaraos na SONA.
Samantala, tatlo sa anim na lane naman sa Commonwealth Avenue East bound lane ang ilalaan ng NCRPO sa mga militanteng grupo na magdaraos ng rally sa July 24.
Mahigpit naman ang tagubilin ng NCRPO sa kanilang mga tauhan hinggil sa pagpapatupad ng maximum tolerance sa mga militang grupo.
Ayon sa PNP nauunawaan nila ang karapatan ng mga raliyista sa malayang pagpapahayag ng saloobin, subalit may babala rin ito sa sinomang magtatangkang mananakit sa gitna ng kilos-protesta.
Ang lahat ng mga lalahok sa kilos-protesta ay papayagan lamang ng pnp na makaabot hanggang sa tapat ng Commonwealth Elementary School sa Quezon City.
(Joan Nano / UNTV Correspondent)