Tuloy-tuloy ang pagbabantay ng Department of National Defense hindi lang sa sinasabing paghahanap ng balwarte ng grupong ISIS sa bansa kundi maging ang panghihikayatng mga ito ng miyembro.
Ayon kay DND Usec. Cardozo Luna, bukod sa pang-iimpluwensya ng ISIS sa iba pang terror group sa bansa ay ginagamit na rin ng mga ito ang social media upang makapag-recruit.
Bahagi na rin ng kanilang mga hakbang upang mapigilan ang paglaganap at pagdami ng kasapi ng terrorists groups sa bansa ang information at education campaign.
Tiniyak rin ng Defense department na may sapat na tauhan ang militar sa Mindanao upang labanan ang terorismo sa loob ng anim na buwan.
(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)
Tags: DND, Pwersa ng militar sa Mindanao, sapat upang hindi makapagtayo ng kampo ang ISIS