Handing-handa na ang Armed Forces of the Philippines na nakadestino sa Lanao del Norte at Lanao del Sur na paigtingin ang operasyon laban sa New People’s Army matapos itong ideklara ni pangulong duterte na teroristang grupo.
Kaugnay nito, nagbawas na rin ng tropa ng militar sa Marawi City upang makatulong sa pagtugis sa New People’s Army.
Samantala, sa isinagawang turn-over ceremony ng 4th Mechanized Infantry Battalion kanina nangako ang bagong commanding officer na pananatilihing payapa ang Iligan City at mga karatig lugar nito.
Nagpasalamat naman si Col. Alex Aduca sa suporta ng iba’t-ibang sector at stakeholders maging sa kaniyang mga tauhan na naging matagumpay ang ginampanan nilang tungkulin sa panahon ng Marawi crisis.
Kaugnay nito, pinaiigting rin ng 10th Infantrt Division ng Philippine Army sa Mindanao ang Community Support Program sa mga barangay.
Nananawagan naman ang militar sa Mindanao na suportahan ang hakbang ng gobyerno upang labanan ang terorismo sa bansa. Sa ngayon, bukas pa rin ang pamahalaan sa mga nagnanais na sumuko at makapagbagong buhay.
( Weng Fernandez / UNTV Correspondent )