METRO MANILA – Nagpapaalala ang Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) sa mga operator ng Public Utility Vehicles (PUV) patungkol sa nalalapit na deadline ng PUV consolidation sa April 30
Sa pahayag ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, hindi na magkakaroon ng panibagong extension sa consolidation.
Hindi na rin papayagang bumiyahe sa Metro Manila ang mga hindi naka pagpa-consolidate sa April 30.
Aalisan ng prankisa ng LTFRB ang PUV operators na hindi nakapagpa-consolidate.
Matatandaang nitong Enero ay nagbigay ng extension sa PUV consolidation si Pangulong Ferdinand Marcos Junior para sa mga unconsolidated PUV operators.