Pusher, tiklo sa engkwentro sa Makati

by Jeck Deocampo | December 13, 2018 (Thursday) | 8755

MAKATI, Philippines – Patay ang hinihinalang miyembro ng isang criminal gang matapos manlaban sa mga operatiba ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Taylo St., Barangay Pio del Pilar, Makati City bandang alas-8:30 kagabi.

Maghahain sana ng search warrant ang mga awtoridad laban kay Rolando Abundo Jr. alyas Bagyo ngunit nagpaputok ang suspek na naging dahilan para gumanti ng putok ang pulisya.

Ayon kay PNP Chief General Oscar Albayalde, bukod sa pagtutulak ng iligal na droga, sangkot din si “Bagyo” sa isang gunrunning syndicate. May nakasampa ring kasong murder laban sa suspek sa Makati Trial court.

Narekober sa insidente ang mga matataas na kalibre ng baril katulad ng M16 5.56mm rifle, M4 rifle, Glock .45, .38 caliber pistol, M203 grenade launcher, improvised grenade launcher, hand grenade at iba’t-ibang klase ng bala. Nakumpiska rin ang 500 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang may street value na ₱3.4 milyon at cash na maaaring pinagbentahan ng iligal na droga.

Nadamay  sa arm encounter ang kapatid ng suspek na si Zea Xyrille Ramos at magulang na si Susan Ramos na parehong isinugod sa Pasay City General Hospital.

(Gerry Galicia/ UNTV News)

Tags: , , , ,