Pulis patay sa pamamaril sa Quiapo Manila

by Radyo La Verdad | November 4, 2015 (Wednesday) | 2946

benedict_pulis
Dead on the spot ang lalaking ito matapos pagbabarilin ng hindi pa matukoy na suspek sa Hidalgo street Quiapo Manila pasado hating gabi.

Kinilala ito na si P03 Saripoden Malawi Pangcoga base sa mga id na nakuha sa katawan nito.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operation nagtamo ng tatlong tama ng bala ng baril si Pangcoga, isa sa kaliwang pisngi dalawa sa likod ng ulo, tatlong basyo ng bala ng caliber 9mm ang nakuha sa crimer scene.

Bineberipika pa ng Manila Police District homicide section kung saan nakatalaga ang nasawing pulis.

Sa ngayun palaisipan pa sa mga otoridad ang motibo sa krimen dahil walang may gustong sumaksi sa mga residente sa takot na madamay.

Aalamin din ng pulisya kung nakuhanan ng cctv camera ang pangyayari na makatutulong upang matukoy ang responsable sa pamamaslang.(Benedict Galazan/UNTV Correspondent)

Tags: ,