Pulis na umano’y protektor ng mga bumabyaheng truck upang makaiwas sa huli, inalis na sa pwesto

by Radyo La Verdad | March 4, 2016 (Friday) | 2193

LEA_MAYOR
Dinis-armahan at inalisan na ng badge ang pulis Pasay na nagbibigay ng escort sa mga truck na nagsisilbi umanong protektor upang makaiwas sa huli kahit lumabag sa batas trapiko.

Nasa holding unit na ng Southern Police District ang nasabing pulis na si PO3 Rommel Macaspac.

Damay din sa disciplinary action ang chief ng traffic division ng Pasay Police na nagdepensa pa kay Macaspac.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Superintendent Wilben Mayor, posibleng masilip din ang anggulo ng extortion sa isinasagawa ngayong imbestigasyon.

Tags: , , ,