Pulis Maynila, arestado dahil sa pag-aamok sa MPD Headquarters

by Radyo La Verdad | July 4, 2016 (Monday) | 1440

BENEDICT_AMOK
Nakaditine na Manila Police District General Assignment Section ang isang police matapos na mag-amok sa loob mismo ng MPD Headquarters kahapon.

Kinilala ang suspek na si PO1 Vincent Paul Solares na kadedestino palang sa Meisic Station at nakatalaga sa patrol unit.

Nagpaputok pa umano ng baril si Solares kaya maraming pulis ang rumesponde upang arestuhin siya.

Bago pa mag-amok sa MPD si Solares nakuhan na rin siya ng cctv sa pananakit sa isang tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau na kinilalang si Ferdinand Oira sa Remedios at Dimasalang Street Sampaloc.

Sa kopya ng cctv makikitang tinawag ng suspek si Oira at paglapit ng enforcer ay tinutukan ito ng baril.

Hindi pa nakuntento ang pulis, hinampas pa ng helmet ang biktima.

Tumanggi namang magsalita si Solares sa mga reklamo laban sa kanya.

Nahaharap sa kasong grave threat at physical injury si Solares dahil sa pananakit sa enforcer.

Maaari ring mapatawan ng kasong administratibo at direct assualt naturang pulis.

Magsasagawa din umano ng background check ang mpd bilang bahagi ng imbestigasyon.

(Benedict Galazan / UNTV Correspondent)

Tags: , ,