METRO MANILA – Humingi ng tulong ang pamunuan ng Philippine Natonal Police (PNP) sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagbabantay sa matataong lugar simula sa undas.
Ayon kay PNP Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., kinausap na nya si AFP Chief of Staff LtGen. Bartolome Bacarro, para sa pagde-deploy ng mga sundalo kasama ng mga pulis para magpatrolya.
Uumpisahan aniya nila ang buddy-buddy system sa Nobyembre hanggang sa matapos ang Ber months.
Inaasahan ng PNP ang pagtaas ng human activity ngayong Ber months kaya’t kailangan ng dagdag na tauhan sa ground lalo na sa NCR, Central Luzon, Calabarzon, Cebu, Davao at Baguio.
Hindi aniya ito ngayon lang gagawin dahil nasubukan na ang ganitong estratehiya noong panahon ni dating PNP Chief PGen. Panfilo Lacson. Wala pang pahayag ang AFP sa usaping ito.
Layon ng PNP at AFP sa buddy -buddy system na mabantayang mabuti ang matataong lugar upang hindi makapanamantala ang mga kriminal.
(Lea Ylagan | UNTV News)
Tags: AFP, BER months, [NP