Matapos ang forensics at DNA testing, kinumpirma na ng PNP Crime Laboratory na kay Canadian kidnap victim Robert Hall ang pugot na ulong natagpuan sa Jolo, Sulu noong isang linggo.
Ayon kay PNP Crime Laboratory Director Chief Superintendent Emmanuel Aranas, nagpadala ng DNA profile ni Hall ang Canadian government na sya namang ikinumpara nila sa specimen na nakuha sa pugot na ulo.
Aniya nag-match ang ipinadalang DNA profile ni Hall sa DNA samples na hawak ng crime lab na mula sa buccal swabs, neck muscles, at left earlobe ng pugot na ulo.
Matapos ma-identify ang pagkakakilanlan ng pugot na ulo at i-consider nilang case closed ang usapin agad nilang inilipat ang custody nito sa Canadian embassy.
Samantala, bagama’t hindi pa rin nahahanap ang katawan ni Hall ay tiniyak nitong kahit nasa advanced stage of decomposition na ay kaya ng crime laboratory na kumuha pa rin ng DNA samples at i-crossmatch sa DNA profile ni Hall.
(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)
Tags: Canadian hostage na si Robert Hall, Pugot na ulo na narekober sa Jolo, Sulu