Publiko, pinayuhan ng DOH na iwasan pa rin ang matataong lugar upang maiwasang mahawaan ng Covid-19

by Erika Endraca | November 25, 2020 (Wednesday) | 1954

METRO MANILA – Kabilang sa palaging binibisita ng mga mamimili tuwing holiday season ang mga palengke, grocery, mall at ang divisoria.

Nakagisnan ng mga Pilipino na mamili sa divisoria dahil mura ang mga bilihin lalo na kapag bultuhan.

Nguni’t ngayong holiday season dahil sa umiiral na Covid-19 pandemic ay nagbigay ng babala ang Department Of Health (DOH).

Ayon sa kay Doh Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kahit na magsuot ng face mask at face shield, hindi sapat mapigilan ang pagkahawa sa Covid-19 kung magtutungo sa matataong lugar.

“Sa matataong lugar na halos dikit- dikit na po kayo, maari pa din kayong mahawa. The risk is there. It is very high. Kaya nga po sana iwasan ang pagpunta sa matataong lugar kung maari po at kung saka- sakaling kailangan mamili na talaga, becuase that’s part of our celebrations maari naman po siguro na magkaroon ng ibang pamamaraan” ani Doh Spokesperson, Usec Maria Rosario Vergeire.

Ayon pa sa DOH, hindi rin dapat pakakampante ang publiko dahil nananatili ang panganib paglabas ng bahay. Sa ngayon, hindi pa rin pinapayagan ang 100% na mass gathering .

Paalala ng kagawaran kung maaari ay makiisa na lamang sa mga online gathering, video call, virtual conference at online shopping.

Hangga’t walang lunas ay hindi dapat isipin ng publiko na normal na ang daloy ng buhay bagaman niluwagan na ang pamahalaan ang quarantine restrictions lalo na sa Metro Manila.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: