Publiko, pinapayuhang magdoble-ingat upang hindi magdala ng virus sa loob ng tahanan

by Erika Endraca | March 11, 2021 (Thursday) | 1802

METRO MANILA – Batay sa mga ulat ng mga ospital, karamihan ng mga naitatalang kaso ngayon ay mula sa mga pami- pamilya o family cluster ng Covid-19 infection.

Payo ng mga eskperto, kailagan mag- doble ingat ang publiko kapag lumalabas ng bahay upang walang madalang virus sa loob ng tahanan.

“Mahirap kasi talagang mapigilan ang pagkalat ng sakit pag nakapasok na sa pamamahay. Syempre ang ating behavior is pagdating natin sa bahay ay hindi na tayo nagmamask at syempre malapitan ang ating interactions. So, ang tanging solusyon dyan, dapat hindi tayo mahawahan sa labas ng bahay para ligtas pa rin yung mga taong kasama natin. “ ani Phil Pediatric Society Fellow, Dr Ana Ong- Lim.

Kailangan aniyang iwasang makisalamuha sa ibang miyembro ng pamilya kapag hindi pa nakakaligo at nakakapagpalit ng damit.

Kailangan ding i- disinfect ang mga gamit, punasan ang mga ito ng may alcohol at hindi lang basta ini- sprayan ng disinfectants.

Payo pa ni Dr Ana Ong Lim, maging matalino sa pag- plano ng oras at lugar na pupuntahan

“Pumili tayo ng oras kung kailan kailangan tayo lumabas para hindi tayo nakikipag agawan sa transporation na ginagamit natin. In that way, pwede natin sigurong makontrol yung physical distancing togteher with the other factors that we can also implement. “ ani Phil Pediatric Society Fellow, Dr Ana Ong- Lim.

Babala naman ni Dr John Wong ng IATF -Technical Working Group on Data Analytics, lolobo ang kaso sa Pilipinas kapag hindi naagapan ang hawaan .

Lalo na sa mga lugar sa ncr na may kumpirmadong kaso ng B.1.1.7 o variant na natuksalan sa United Kingdom.

“In certain cities in NCR, we’ve seen ..if the UK variant becomes the dominant strain, meaning it infects more than 50 percent of cases, we can have 9x more cases after a month. So we have to take precautions to avoid this.” ani IATF -Technical Working Group on Data Analytics Dr John Wong.

Paliwanag nito, mas nakakahawa ang B.1.1.7 variant habang ang B.1.351 variant na unang natuklasan sa South Africa ay nakaapekto para mabawasan ang proteksyon makukuha ng isang indibidwal sa isang bakuna .

Isang daan at labing walo (118) ang kaso ng B.1.1.7 sa Pilipinas kumpara sa Limampu’t Walong (58) B.1.351 kaya posibleng ito ang sanhi ng mabilis na pagkalat ng infection sa bansa.

Samantala, dagdag pa ng mga eksperto, habang naghhintay ng Covid-19 vaccine ay mas mabuti kung makaiiwas na mahawa sa sakit sa pamamagitan ng responsableng pagsusuot ng face mask, face shield, cough etiquette, paghuhugas ng kamay at pasunod sa physical distancing.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: