Publiko, pinapayuhan ng DOH na magsagawa na lang ng virtual parties ngayong holiday season

by Erika Endraca | November 9, 2020 (Monday) | 7008

METRO MANILA – Lumabas sa projection ng UP octa resarch noong nakaraang Linggo, na posibleng tumaas ang kaso ng Covid-19 sa bansa ngayong holiday season dahil sa mga pagtitipon at pagpunta ng publiko sa mga matataong lugar gaya ng pamilihan .

Kaugnay nito, naglabas ang DOH ng circular no. 202o- 0355 upang paalalahanan ang publiko na limitahan ang face- to face activities ngayong holiday season

“Alalahanin po natin na mas mataas ang risk in-person activities kaya po kung hindi maiiwasan ang mga ito, piliin po natin ang mga outdoor activities na open at nasa well-ventilated areas at panatlihing maiksi ang in person activities. if and when hindi po maiiwasan na magkaroon ng mga ganitong activities, remember to have these minimum health standards” ani DOH Spokesperson, Usec. Maria Rosario Vergeire.

Sakali namang hindi maiiwasan ang physical activities, dapat na responsableng sundin ang health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask, face shield, physical distancing at ang cough etiquette.

Ipinagbabawal din ang pagkakaroon ng buffet style na food service at paghihiraman ng gamit sa bahay. Dapat ding maayos ang disinfection ng mga gamit sa bahay at dapat ay masunod din ang madalas na paghuhgas ng kamay o may nakahandang alcohol o sanitizers sa lugar ng pagtitipunan.

“Household items may be contaminated by respiratory droplets. Hence, avoid unnecessary touching of surfaces and sharing of household items… Packaging must also be disinfected prior to distribution” ani DOH Spokesperson, Usec. Maria Rosario Vergeire.

Binigyang diin din ng DOH na ipinagbabawal gawin sa mga face- to face activities ang videoke

Paliwanag ni usec vergeire, batay sa isang pag- aaral, ang pagbi- videoke ay paraan para sa mas mabilis na kumalat ang virus .

“Dito ipinakita, kapag ikaw ay nagsasalita, na kapag ikaw ay humihinga, kapag ikaw ay umuubo at nakikita sa pag-aaral na ito na kapag ikaw ay kumakanta ito ang pinakamataas na load ng virus na puwede mong mai-transmit” ani DOH Spokesperson, Usec. Maria Rosario Vergeire.

Nguni’t hindi naman aniya ipinagbabawal ito sa loob ng tahanan ng isang pamilya kundi sa mga pagtitipon lamang kung saan grupo ng mga tao ang magsasagawa.

Palala ng DOH ngayong holiday season na malamig ang panahon, kaagad na mag- isolate kapag nakaranas ng ubo, sipon, lagnat, sore throat lalo na kung nawalan na ng panlasa at pang- amoy.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,