Publiko, pinagiingat ng NBI sa pagbili ng mga pekeng cosmetic product sa merkado

by dennis | May 22, 2015 (Friday) | 859
File photo
File photo

Nagbabala ang National Bureau of Investigation sa publiko dahil sa mga kumakalat na mga pekeng cosmetic products sa mga pamilihan

Ito ay matapos na kumpiskahin ng ahensiya ang mahigit P177 milyong halaga ng mga pekeng Burberry, Chanel at Chloe Cosmetic products sa dalawang shopping mall sa Binondo, Maynila noong nakarang Miyerkules.

Ayon sa Intellectual Property Rights Division (IPRD) ng NBI, ang reklamo ay nagmula sa isang nagngangalang Mr. See Hock Heng na ang mga nasabing produkto ay binebenta sa 999 Shopping Mall at 168 Shopping Mall sa Binondo.

Sa bisa ng search warrant na ipinalabas ng Manila RTC Branch 46 ay agad na kumilos ang mga otoridad.

Sa ngayon ay nangangalap pa sila ng karagdagang ebidensya at impormasyon upang mapagtibay ang kanilang pagsasampa ng kaso sa mga lumabag sa ilalim ng RA 8293 o Intellectual Property Code.(Jerolf Acaba/UNTV Radio)