Publiko, muling pinag-iingat sa heat stroke at iba pang sakit ngayong panahon ng tag-init

by Radyo La Verdad | March 10, 2016 (Thursday) | 12452

SHERWIN_HEAT-STROKE
Hindi pa man opisyal na nagsisimula ang tag-init ay ramdam na ng ilan nating mga kababayan ang mainit na panahon.

Gaya na lamang ng street sweeper na si Mang Felix, na bukod sa tagaktak ang kanyang pawis ay nakakaramdam rin siya ng pagkahilo dahil sa tindi ng init.

Noong Lunes naman napaulat ang pagkasawi ng 28-anyos na si Vanessa Tenoso habang nagsasanay bilang Special Action Force commando sa Camp Vicente Lim sa Laguna.

Batay sa autopsy report, nagkaroon ng cardiac arrest si Tenoso matapos makaranas ng heat stroke.

Ang heat stroke ay itinuturing na isang medical emergency case sanhi ng matinding init ng panahon na maaaring mauwi sa kamatayan kapag hindi naagapan.

Ilan sa mga palatandaan nito ay ang pamumula ng balat, pagkahilo, dehydration at pagbilis ng tibok ng puso.

Dapat rin magsuot ng kumportableng damit at gumamit ng sumbrero o payong sa tuwing lalabas ng bahay.

Kung nakakaramdam na ng heat exhaustion, agad sumilong at uminom ng tubig; lagyan rin ng ice pack o pahiran ng malamig na tubig ang ilang bahagi ng katawan upang mapababa ang temperatura.

Bukod sa heat stroke, nauuso rin tuwing mainit ang panahon ang sore eyes, sipon at ubo, diarrhea at mga sakit sa balat.

(Sherwin Culubong / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,