Patuloy nang tumitindi ang nararanasang init ng panahon sa bansa kaya marami sa ating mga kababayan ang nagkakasakit.
Sa ulat ng Cebu Provincial Health Office, tumaas ang kaso ng acute bloody diarrhea sa lalawigan na umabot na sa 88 ngayong 2016.
Noong 2015 naman ay umabot sa 371 ang nagkasakit ng diarrhea.
Ayon sa DOH, tumataas ang kaso ng diarrhea kapag may problema sa tubig ang isang lugar gaya ng Cebu City na kamakailan ay isinailalim na sa state of calamity dahil sa water shortage sanhi ng tagtuyot.
Bukod sa diarrhea, kabilang rin sa heat-related illnesses ang sakit sa balat, sore eyes, ubo at sipon at heat stroke.
Paalala rin ng health office sa publiko na uminom ng maraming tubig, magsuot ng kumportableng damit at gumamit ng sunblock cream o lotion kung lalabas ng bahay.
Naglagay na rin ng public advisory ang DOH sa kanilang website at namahagi ng leaflets sa mga komunidad kaugnay ng pag-iingat ngayong matindi ang init ng panahon.
(Gladys Toabi / UNTV Correspondent)
Tags: DOH, matinding init, publiko