Sa pag-aaral ng MMDA, nasa labing limang libong mga sasakyan ang dumaraan sa Edsa kada oras tuwing rush hour.
Kapag holiday season, nadaragdagan pa ito ng labing limang porsyento o katumbas ng isang libong mga sasakyan.
Dahil dito, pinapayuhan ngayon ng MMDA ang publiko na kung maari ay gawan ng schedule ang pagpunta sa mga mall, upang makaiwas sa matinding epekto ng trapiko.
Mas makakabuti rin aniya kung itatakda ng mas maaga ang pagpunta sa mga mall o iba pang mga pamilihan at huwag nang sumabay sa bulto ng mga namimili, lalo na kapag weekend.
Ngayong Setyembre, ipapatawag ng MMDA ang mga mall owners upang pagusapan ang gagawing adjustment sa oras ng kanilang mga operasyon para maiwasan ang lalo pang pagbigat ng trapiko.
Imumungkahi rin sa mga ito na pansamantalang ipagbawal ang pagkakaroon ng mga weekday sale at pagtanggap ng mga deliveries sa umaga.
Kasama rin sa mga tatalakayin ng MMDA sa mga ito ang mga pamamaraan upang maisaayos ang trapiko sa paligid ng mga mall upang maiwasan na tumukod ang traffic sa Edsa.
(Joan Nano / UNTV Correspondent)