Publiko, hinimok ng Palasyo na makinig sa huling SONA ng Pangulo

by dennis | July 27, 2015 (Monday) | 1356
Photo by: Benhur Arcayan / Malacañang Photo Bureau
Photo by: Benhur Arcayan / Malacañang Photo Bureau

Hinimok ng Malacañang ang taumbayan na makinig sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III mamayang hapon.

Ayon kay Presidential Communications Sec. Herminio Coloma Jr., asahan nang maipapabatid ng Pangulong Aquino ang mga mahahalagang programa at naging aksiyon ng pamahalaan tungo sa pagbabago, pagpapaunlad at pagpapatatag ng ekonomiya ng bansa.

Umapela naman ang Malacañang sa mga ralyista na panatilihin ang mapayapang paghahayag ng kanilang mga hinaing habang ipapatupad naman aniya ng Philippine National Police ang maximum tolerance.

Si Pangulong Aquino ay magpapahayag ng kaniyang huling ulat sa taumbayan sa Plenary Hall ng House of Representatives sa Batasan Pambansa Complex, Batasan Hills sa lungsod ng Quezon.

Ang SONA ay alinsunod sa taunang tradisyon kung saan maghahayag ang Pangulo sa Kongreso para sa pagpapasimula ng regular na sesyon batay sa Art. 7 Sec. 23 ng Philippine Constitution.(Jerico Albano/UNTV Radio)