Publiko, hinimok na sumali sa Earth Hour na pangontra sa Climate Change sa March 28

by monaliza | March 23, 2015 (Monday) | 980

0
Hinimok ng Malacanang ang publiko na lumahok sa isasagawang Earth Hour o isang oras na sabayang pagpapatay ng ilaw sa buong mundo.

Ang aktibidad ay binuo ng World Wide Fund for Nature (WWF) para sa kalikasan ay isasagawa sa March 28 kung saan mangyayari ang main switch-off sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma,gagawin mula 8:30PM to 9:30PM ang Earth Hour na may global tagline na “Use your power to change Climate Change”.

Mula 2009 hanggang 2013, ang Pilipinas ay kinilalang Earth Hero Country dahil sa pakikiisa nito sa taunang kampanya.

Ngayong 2015 naman ay magbibigay ang Pilipinas ng solar lamps sa mga komunidad na walang kuryente para matulungan silang magkaroon ng ilaw sa bawat tahanan.