Sa tala ng PNP Highway Patrol Group Rizal, nakahuli sila ng tatlumpu’t pitong insidente ng pagnanakaw ng motorsiklo at tatlong carnapping sa nakalipas na tatlong buwan. Ilan sa mga biktima nakabili ng mga nakaw na sasakyan.
Kaya naman muling pinaalalahan ng PNP-HPG ang publiko na makiupag-uganyan sa kanila sakaling may bibilhing second hand na sasakyan upang makasiguro.
Pinapayuhan naman ng HPG na isuko sa kanila sakaling matuklasan na nakaw pala ang nabili nilang sasakyan.
Noong nakaraang linggo, pinangunahan ng bagong HPG Regional Director sa Rizal Provincial Police Office ang pagta turn over ng mga na carnap na sasakyan sa mga may-ari nito.
Iprinisinta rin ang mga nakumpiskang mga ipinagbabawal gaya ng led lights, blinkers, open mufflers at maiingay na tambutso bilang bahagi ng programang oplan-disiplinadong-driver.
( Jennica Cruz / UNTV Correspondent )
Tags: carnapping, PNP-HPG, second hand na sasakyan