Publiko, hinikayat ng mga environmentalist na makiisa sa Earth Hour activities sa Marso

by Radyo La Verdad | February 28, 2018 (Wednesday) | 3286

Nanawagan ng pagkakaisa ang ilang environmentalists upang ipakita ang pagmamahal sa ating mundo sa pamamagitan ng Earth Hour.

Nakatuon ang mga aktibidad ngayong taon sa pangangalaga sa biodiversity o sa sari-saring living organisms sa ating planeta.

Ayon kay Atty. Gia Ibay, ang national director ng Earth Hour Philippines, lumabas sa isang repor noong 2016  na bumaba ang biodiversity ng ating planeta. Nakaa-alarma aniya ito dahil dito tayo umaasa ng maraming mga bagay.

Sa March 24, hinihikiyat ang publiko na magpatay ng kanilang ilaw mula 8:30 hanggang 9:30 ng gabi na simbolo ng commitment ng pakikibahagi sa solusyon sa mga problema ng kalikasan.

Ito na ang ikasampung taon ng pakikiisa ng Pilipinas sa Earth Hour.

Bukod sa switch off event, magsasagawa rin ng activities, exhibits, cultural performances sa Cultural Center of the Philippines na may mensahe ng pagpapahalaga sa ating planeta.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), nabawasan ang maximum load sa power grid ng Pilipinas ng 165 megawatts dahil sa Earth Hour noong isang taon.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

Tags: , ,