Publiko, hinikayat ng COMELEC na kunan ng litrato at i-report ang mga campaign poster sa mga ipinagbabawal na lugar

by Radyo La Verdad | February 3, 2016 (Wednesday) | 1454

SHAME-CAMPAIGN
Sa pagsisimula ng campaign period sa February 9, sisimulan na rin ng MMDA at DPWH ang operation baklas o ang pag-aalis sa mga campaign paraphernalia na nasa labas ng common poster areas.

Martes lumagda sa isang kasunduan ang MMDA, DPWH at COMELEC para sa operation baklas.

Apela ng COMELEC sa mga kandidato at partido tanggalin na ngayon pa lamang ang mga poster na nasa mga ipinagbabawal na lugar at huwag nang hintayin pa na ang MMDA at DPWH ang mag-alis sa mga ito upang hindi masampahan ng reklamo.

Ayon sa COMELEC maaring maparusahan din ang isang kandidato kung mapatunayan na pinahintulutan nito ang nagkabit ng posters sa ipinagbabawal na lugar.

Para naman sa DPWH kailangan magkaroon ng adjustment sa common poster area.

Samantala hinihikayat naman ng COMELEC ang publiko na kunan ng litrato ang mga makikitang campaign materials na nasa mga ipinagbabawal na lugar

At i-report kaagad sa COMELEC kalakip ang patunay ng ginawang paglabag sa pamamagitan ng kanilang mga social media accounts upang maimbestigahan

Isinusulong din ng COMELEC ang paggamit ng environment friendly o mga recyclable na campaign materials at ang pagbabawal sa iresponsableng pagtatapon sa mga ito.

Paalala din ng COMELEC, kapag campaign period na, bawal na sa mga kandidato ang mag- endorso ng anumang produkto.

(Victor Cosare/UNTV News)

Tags: ,