Publiko, hindi dapat mangamba sa pagpapalit ng konstitusyon – House Majority Leader Fariñas

by Radyo La Verdad | August 5, 2016 (Friday) | 3655

GRACE_Fariñas

“Kailangan maintindihan ng tao na walang pwedeng mapalitan, mabago, ma-amyendahan sa konstitutsyon na walang kayong pahintulot.”

Ito ang garantiya ni House Majority Floor Leader Rudy Fariñas sa publiko sa panukalang pagpapalit ng ating konstitusyon.

Ayon kay Fariñas sakaling matuloy ang panukalang constituent assembly ang magiging parte lamang ng mga kongresista at senador ay gumawa ng rekomendasyon sa bubuohing bagong konstitusyon.

Nasa publiko ang pagpapasya kung tatanggapin nila o hindi ang bagong konstitusyon sa pamamagitan ng plebesito.

Ipinaliwanag rin ng mambabatas na desidido na ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na isulong ang Con-Ass dahil mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng vested interest sa Con-Con.

Kung matutuloy ang Con-Ass, panukala ni Fariñas ay itigil muna ang pagpapasa ng mga batas sa Kongreso.

Sa Martes nakatakdang magpulong ang Senado at House of Representatives upang pagusapan ang mga hakbang na kanilang gagawin upang masimulan na ang panukalang Charter-Change.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Tags: , ,