Pinapapalitan ng kampo ng pamilya Laude sa Department of Justice si Olongapo Chief Prosecutor Emilie de los Santos bilang public prosecutor sa kasong pagpatay sa transgender na si Jennifer Laude.
Kasunod ito ng pagpupumilit ni de los Santos na makipag-areglo ang pamilya ng biktima sa kampo ng suspek na si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.
Una nang napaulat na handang makipag-areglo ang pamilya Laude sa halagang dalawampu’t isang milyong piso kaakibat ang ilang kondisyon sa pagkakakulong at pag-amin ng suspek.
Samantala, sakaling ituloy ang aregluhan sa pagitan ng dalawang kampo, bababa sa homicide ang murder case laban kay Pemberton.