Public hospitals, inatasan ng DOH na itaas sa 50-70% ang bed capacity para sa COVID-19 patients

by Erika Endraca | July 23, 2020 (Thursday) | 2896

METRO MANILA – Nakaraang linggo sunod- sunod na naglabas ng kanilang pahayag ang ilang ospital sa Metro Manila na puno na ang kanilang designated COVID-19 bed capacity.

Nangangamba ang mga ospital na baka hindi kayaning ng health system ng bansa ang pagtugon sa pangangailangang medikal ng mga pasyente dahil sa patuloy na pagdami ng naitatalang kaso araw- araw .

Ayon sa DOH, nire- require na nila ang mga pampublikong ospital na magdagdag ng kanilang bed capacity for COVID-19 patients mula sa inisyal na 30% designated bed capacity.

“Ang public hospitals, they are mandated 30% of their bed capacity dapat allocated for covid. Kapag nag-surge ang cases, p’wedeng mag- increase to 50% at kapag kailangan pa rin may increase to 70% of their bed capacity para doon.” ani DOH Spokesperson Usec Maria Rosario Vergeire.

Ang mga pribadong ospital naman aniya ay required na maglaan ng kanilang 20% bed capacity para sa covid-19 cases at i- extend ito ng 30% kapag nagkaroon ng pagtaas ng bilang sa mga ito

Paliwanag ng DOH ang hakbang na ito ay bahagi ng one hospital command iniunsad ng DOH .

Sa pamamagitan ng one hospital command ay may networking lalabas ang mga ospital upang tumanggap ng mga COVID-19 patient na hindi na kayang i- accomodate pa ng ibang ospital.

Ayon kay Usec Maria Rosario Vergeire, ang ibang hospital gaya ng Lung Center of the Philippines, Phil Children’s Medical Center, Dr Jose Fabella Memorial Hospital , Heart Center at iba pang ospital para sa mga partikular na espesyalisasyon sa panggagagmot at tumatanggap na rin ng COVID-19 patients.

Ito nga ang naging tugon ng iba pang ospital matapos mag- deklara na full na ang capacity ng designated COVID-19 beds ang 15 ospital nitong nakalipas na mga Linggo.

Ang one hospital command ay pinangungunahan ngayon ni Usec Leopoldo Vega.

Malinaw din aniya sa protocol na ang mga mild at asymptomatic dadalhin na lang sa mga isolation facilities o nga temporary treatment monitoring facilities upang hindi mapuno ang mga ospital at mailaan ang espasyo para sa mga severe at critical COVID-19 cases

Magbibigay aniya ng incentives ang DOH sa mga ospital na patuloy na mage- expand ng kanilang bed capacity upang tumanggap at manggamot ng COVID-19 cases.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,