METRO MANILA – Iginiit ng Department of Health (DOH) ng kinakailangan pa rin na panatilihin ang regular na pagsusuot ng face mask sa mga commuter, kahit pa nakapila lamang at naghihintay na makasakay ng public transportation.
Ito’y bagaman inirekomenda na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang boluntaryong pagsusuot ng face mask sa open spaces na may maayos na bentilasyon.
Kaugnay nito pinayuhan rin DOH ang mga magulang na palagi pa ring pagsuotin ng face mask ang kanilang mga anak kapag pumapasok sa mga paaralan.
Ito’y dahil isinasagawa ang klase sa loob ng mga silid-aralan.
Nakipagpulong na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga opisyal ng iatf hinggil sa COVID-19 situation sa bansa.
Gayunman hinihintay pa rin ang pinal na desisyon ng pangulo, kung papayagan na ang optional na pagsusuot ng face mask sa outdoor areas na may maayos na bentilasyon.
Tags: face mask policy