Public Address ni Pres. Duterte kaugnay ng ECQ, ilalabas ngayong umaga

by Erika Endraca | April 24, 2020 (Friday) | 2423

METRO MANILA – Inaasahang ilalahad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko mamayang alas-8 ng umaga ang kaniyang desisyon hinggil sa Enhanced Community Quarantine (ECQ), kung ito ba’y palalawigin, babawiin o imo-modify.

Gagawin ng Pangulo ang anunsyo 6 na araw bago ang nakatakdang pagtatapos ng ECQ sa April 30.

Kagabi April 23, 2020, pinulong pa ng punong ehekutibo sa Malacañang ang ilan sa mga miyembro ng kaniyang gabinete na mga kasapi rin ng Inter-agency Task Force (IATF) kontra Coronavirus Disease.

KIahapon, sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na titimbangin ni Pangulong Duterte ang kaniyang desisyon sa usaping pang-kalusugan at pang-ekonomiya.

Kabilang naman sa mga proposed decision tool na isinumite ng iatf para sa modified ECQ ang isyu ng kakayahan ng health sector, gaano katindi ang banta ng covid-19 outbreak, mga sektor ng ekonomiyang maaring nang buksan, at public transport na gagamitin sa bawat geographical location.

Pagtitiyak ng palasyo, magiging maingat ang Presidente sa anumang desisyon nito at nakabatay sa syensya.

“I am here to confirm, that the president will base his decision on science, that he has gotten the best scienftic advise from his own cabinet and from the private sector including the academe ” ani  Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,