Matinding trauma ang idinulot sa mga mag-aaral ng nangyaring krisis sa Marawi City noong nakaraang taon dahil sa paglusob ng Maute ISIS terrorist group.
Ilan sa kanila, ayaw o nahihirapang bumalik sa eskwela sa takot na maulit ang pangyayari.
Kaya naman plano ng pamunuan ng Amai Pakpak Central Elementary School (APCES) na tutukan ang psycho-social debrifing sa mga bata.
Samantala, iba’t-ibang problema din ang sumalubong sa pagbubukas ng klase ngayong araw sa Marawi City. Kabilang dito ang kakulangan sa upuan para sa tinatayang tatlong libong estudyante ng APCES. Pinaupo na lamang sa sahig ang mga mag-aaral.
Inirereklamo rin ng ilang guro dito ang mga hindi magamit na classrooms dahil ginawang tamabakan ng mga relief goods.
Sa ngayon ay isang shift lang ang klase sa APCES. Ito ay mula alas otso ng umaga hanggang alas-kwatro ng hapon dahil na rin sa umiiral na martial law sa Mindanao.
( Raymond Octobre / UNTV Correspondent )
Tags: Marawi City, Maute, psycho-social debriefing
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com