Kinumpirma ng Presidential Security Group o PSG ang naganap na shooting incident kaninang umaga sa PSG Complex sa Malacañang Park.
Malapit ito sa bahay pangarap na tinutuluyan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay PSG Spokesperson Mike Aquino, isang opisyal ang nabaril at hindi na ito nagbigay pa ng ibang detalye sa insidente.
Sinabi ni Aquino na maglalabas sila ng official statement matapos ang isinasagawang imbestigasyon sa pangyayari.
Tags: Malakanyang, PSG, shooting incident