Proyektong pabahay para sa mga biktima ng bagyong yolanda sa Eastern Visayas, halos kumpleto na–DSWD

by Radyo La Verdad | June 24, 2016 (Friday) | 2050

DINKY-SOLIMAN
Ilang araw na lamang ang nalalabi bago bumaba sa puwesto si Social Welfare and Development Secretary Dinky Soliman ngunit bago niya lisanin ang kagawaran na anim na taon rin niyang pinamunuan, tiniyak ng outgoing secretary na hangga’t maaari ay walang proyekto na maiiwang nakatiwangwang.

Halimbawa nito ay ang pabahay project sa Eastern Visayas para sa mga biktima ng bagyong yolanda noong 2013.

Iniulat din ng kalihim na tatlumpong pamilya na lamang ang nasa bunkhouses sa Tacloban dahil hindi pa tapos ang lilipatan nilang mga bahay.

Hindi rin muna nila puputulin ang supply ng tubig sa resettlement areas hanggang sa Disyembre dahil inaayos pa ang water source para sa Northern barangay.

Tiniyak rin ng kalihim na hindi na maaapektuhan ng baha ang mga itinayong bahay dahil nakatirik ito sa mga matataas na lugar.

Muli namang nanawagan ang DSWD sa iba’t-ibang ahensya na i-monitor ang bawat lugar na nangangailangan pa ng livelihood package services upang ganap na makabangon mula sa epekto ng bagyong yolanda.

(Jenelyn Gaquit/UNTV Radio)

Tags: ,