Proyekto na “Basura Mo, Kinabukasan Ko” ng PNP sa Bataan, ipagkakaloob sa mga estudyanteng Aeta

by Radyo La Verdad | May 28, 2018 (Monday) | 4923

Sinimulan na ng Philippine National Police (PNP) sa lalawigan ng Bataan ang proyekto na tumulong o gumawa ng mabuti sa mga estudyanteng Aeta.

Pinangunahan ni Provincial Director Police Senior Superintendent Marcelo Dayag, ang proyektong “Basura Mo, Kinabukasan ko”, na mga recycle for a cause o mga bote, papel, plastic at iba pa na maibebenta pa.

Layon nito na matulungan ang mga estudyanteng Aeta o indegenious people na mahihirap.

Sa darating na Hunyo uno, magbibigay ang PNP ng school supply sa isang daang mag-aaral sa Morong Kanawan Elementary School, dalawang daan sa Hermosa Pastolan Elementary School, isang daan at dalawampu sa Limay Kinaragan Elementary School at limangpu sa Orani St. Josephine Bakhita Parish Kindergarten.

Ito ay bilang tugon sa inilunsad ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na One Commendable Act ng mga kawani ng PNP sa mga mamamayan.

 

( Alfredo Ocampo / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,