Provisional list ng mga kandidato sa 2016 elections, ilalabas sa Dec. 23

by Radyo La Verdad | December 21, 2015 (Monday) | 3244

COMELEC-CHAIRMAN-ANDRES-BAUTISTA
Ilalabas na ng Commission on Elections o Comelec sa darating na Miyerkules, December 23, ang ‘provisional list’ ng mga kandidato sa 2016 National Polls.

Ang provisional list na ito ay maaari pang mabago hanggang January 8, 2016.

Ngunit ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, bagama’t hindi pa ito ang pinal at opisyal na listahan, wala nang malaking pagbabagong aasahan sa naturang provisional list.

Ipinagpaliban ng Comelec En Banc ang paglabas sana ng official list of candidates noong December 15, at sa halip ay ilalabas na lamang ang initial list ngayong Miyerkules.

Ang delay ay dahil sa pending cases laban sa mga posibleng kandidato lalo na sa pagkapangulo.

Kabilang dito sina Sen. Grace Poe at Davao City Mayor Rodrigo Duterte na kapwa nahaharap sa disqualification cases.

Sa ikatlong linggo ng January 2016 ang target ng Comelec na pagsisimula ng pag-imprenta ng mga balota .

Tags: , , ,