Protesta sa pagkapanalo bilang pangulo ni Donald Trump, isinasagawa sa iba’t ibang bahagi ng Amerika

by Radyo La Verdad | November 10, 2016 (Thursday) | 1211
Photo credit: Reuters
Photo credit: Reuters

Ilang kilos protesta ang isinagawa sa iba’t ibang lugar sa Amerika kasunod ng pagkapanalo ni Republican Donald Trump sa US presidential elections.

Dala ang mga banners, aabot sa isang libo ang nagtipon sa harap ng Trump International Hotel sa Chicago.

Kaagad namang isinara ng mga pulis ang daraanan ng mga protesters.

Nagmartsa naman ang mga estudyante ng University of Austin sa Texas papunta sa State Capitol.

Isinisigaw ng mga protesters na hindi nila presidente si Trump.

Sa Nashville, Tennessee naman nagprotesta rin ang mga estudyante sa Fisk College.

Nagsasagawa rin ng kilos protesta sa Philadelphia, Washington D.C, California at New York.

Tags: ,