Protesta ng mga school service operator, binalewala ng LTFRB

by Radyo La Verdad | June 14, 2016 (Tuesday) | 5752

SCHOOL-SERVICE
Nanindigan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na sapat na ang isang taong palugit na kanilang ibinigay sa mga school service operator palitan ang kanilang mga lumang unit.

Ito ay sa kabila ng pagtutol ng mahigit dalawang daang operator na nagsagawa ng kilos protesta sa harap ng ahensya kahapon.

Iginiit ng LTFRB na ipatutupad nila ang mandatory phase out sa mga school service na may edad labin limang taon pataas upang maiwasan ang mga aksidente sa kalsada na kinasasangkutan ng mga ito.

Kaugnay nito sinabi ng LTFRB na kakanselahin ang prangkisa ng mga sumama sa kilos protesta kahapon.

Subalit bibigyan naman nila ang mga ito na pagkakataon na magpaliwanag kung bakit hindi dapat kanselahin ang kanilang prangkisa.

(Mon Jocson/UNTV NEWS)

Tags: ,