Sa kanyang kauna-unahang State of the Nation Address kahapon, binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang paninindigan sa pagprotekta sa karapatan ng mga tao, o human rights.
Magmula kasi na mapabalita ang kaliwat-kanang inisdente ng mga napapatay dahil sa pagkakadawit sa droga, nakukwestiyon din ang umano’y hindi pagprotekta ng gobyerno sa human rights.
Nagpapaalala rin ito sa mga opisyal ng gobyerno sa maaaring parusa sa mga mangaabuso ng kapangyarihan.
Kuntento naman si Atty.Chito Gascon, Chaiperson ng Commission on Human Rights sa pahayag na ito ng Pangulo.
Sa kabila nito, inamin rin ni Gascon na patuloy pa ring nababahala ang CHR sa umaakyat na bilang ng mga napapatay dahil sa droga.
Ayon naman sa human rights advocate na si Sen. Leila De Lima, mas malinaw sana kung nagbigay ng mas mabigat na pahayag ang Pangulo patungkol sa human rights.
(Joyce Balancio/UNTV Radio)
Tags: human rights