Proseso sa pagmamay-ari ng baril, mas pinabilis ng PNP

by Radyo La Verdad | April 4, 2017 (Tuesday) | 3437


Tatagal nalang ng 10 minuto ang proseso bago maaprubahan ang License to Own and Possess Firearms o LTOPF.

Sa bagong sistema ng PNP Firearms and Explosive Office maaari nang ipasa ang lahat ng mga requirement online.

Hihintayin na lang ang confirmation at i-set ang schedule kung kailan nais ng aplikante na personal na pumunta sa Camp Crame upang makuha ang lisensya.

Para naman sa walk-in application, posibleng na itong maproseso ng hanggang 6 na oras para sa mga nasa metro manila habang 3-5days naman para sa mga nasa probinsya.

Mas mabilis ito kumpara kasalukuyang proseso na inaabot ng tatlo hanggang 6 na buwan.

Ang processing fee ay mula walongdaan hanggang sapumpung libong piso depende sa klase at dami ng baril na ipaparehistro.

Pinoproseso narin ngayon ng pnp ang pagbibigay ng amnesty para sa mga may-ari ng loose fire arms.

Sa datos ng PNP nasa 28, 800 na ang mga loose fire arms sa bansa o ang mga armas na hindi nakarehisto.

Ang mga mahuhulihan ng baril na walang lisensya ay maaaring mahatulan ng mula amin hanggang habang buhay na pagkakabilanggo.

Para sa mga iba pang detalye maaaring makipagugnayan sa PNP Firearms and Explosive Office.

(Grace Casin)

Tags: ,