Prosekusyon, tutulan ang hiling ni Sen. Jinggoy Estrada na makalahok sa canvassing ng 2016 elections

by Radyo La Verdad | January 19, 2016 (Tuesday) | 2527

SANDIGANBAYAN
Maghahain muna ang kampo ng prosekusyon ng oposisyon sa hiling ni Sen. Jinggoy Estrada na makalahok sa canvassing ng mga boto sa darating na eleksyon bago magdesisyon ang korte ukol dito.

Sa pagdinig ng Sandiganbayan 5th Division ngayon lunes, binigyan ng korte nang hanggang biyernes ang prosekusyon upang magsumite ng kanilang comment

Matapos nito ay may limang araw ang panig ni Senador Estrada upang maghain ng reply at matapos ito ay submitted for resolution na ang kanyang kahilingan.

Sa urgent motion ni Estrada na isinumite noong biyernes, sinabi nito na bilang senador, may dapat siyang mapabilang sa canvassing ng boto para sa pagbibilang presidente at bise presidente sa eleksyon sa Mayo.

Sinabi ng senador na bagaman nakakulong siya sa PNP Custodial Center dahil sa pdaf scam, hindi pa naman siya convicted sa kasong plunder at graft.

Hindi naman daw niya ninanais na makalaya sa kanyang detention at hinihiling lang na bigyan ng pagkakataong gawin ang kanyang tungkulin na nakasaad sa konstitustyon.

Nauna nang hindi pinagbigyan ng Sandiganbayan 5th Division ang hiling ni Estrada na makadalo sa committee hearings sa senado noong nakaraang taon.

Paliwanag Sandiganbayan sa mga denied motion ni Sen. Jinggoy Estrada, hindi niya maaaring matama sa ang civil at political rights, bilang akusado sa malaking kaso kaso katulad ng pdaf scam.

(Joyce Balancio/UNTV News)

Tags: ,