Prosekusyon nagprisinta ng mga testigo laban kay dating Senador Bong Revilla Jr. kaugnay sa PDAF scam

by Radyo La Verdad | July 28, 2017 (Friday) | 4021


Mariing itinanggi nina Quirino Vice Governor Mary Calaluan, dating alkalde ng Diffun Quezon, at ang kasalukuyang register officer-1 ng Atimonan Quezon na si Jeanien Servantes na pumirma sila sa certificate of acceptance at acknowledgement receipt ng livelihood projects mula sa Priority Development Assistance Fund ni dating Senador Bong Revilla Jr.

Pinabulaanan din ng dalawang residente ng Quezon na lagda nila ang nasa isang dokumento bilang benepisyaryo umano ng agricultural kits.

Ayon naman kay Revilla kapwa lang ginamit ang kanilang pangalan sa katiwalian. Nais naman ng dating senador na matapos na ang paglilitis sa kanyang kaso.

Si Revilla ay inaakusahan ng umano’y pagbubulsa ng nasa 224.5 million pesos kickbacks mula sa kanyang pork barrel at kasalukuyang nakakulong sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Tags: , ,