Prosekusyon, hinamon ng Sandiganbayan na madaliin na ang pagsasampa ng ikatlong batch ng PDAF cases

by Radyo La Verdad | May 12, 2015 (Tuesday) | 1347

SANDIGAN BAYAN

Hinamon ng mga mahistrado ng Sandiganbayan 4th Division ang prosekusyon na isampa na sa lalong madaling panahon ang ikatlong batch ng pdaf cases sa Ombudsman.

Ayon kay Associate Justice Jose Hernandez, hinihintay na ito ng taumbayan at wala silang nakikitang dahilan para ma-delay ang pagpa-file nito.

Ginawa ni Hernandez ang pahayag sa bail hearing ni dating Masbate Rep. Rizalina Seachon Lanete kanina kung saan nakasalang bilang testigo si PDAF witness Marina Sula.

Depensa naman ng prosekusyon, hindi nila hawak ang desisyon sa filing ng PDAF cases.

Ayon naman kay Atty Laurence Arroyo, abogado ni Lanete, makikita sa mga nakaraang batch ng PDAF scam cases na nagkaroon ng selective justice

Samantala, sinabi pa ni Atty Arroyo na lumabas sa kanilang cross examination kay Sula na hindi kailanman nakita si Lanete na pumunta sa JLN Corp o dumalo sa kahit anong party ni Janet Lim Napoles.

Pineke lang din aniya ang pirma ni Lanete sa mga dokumentong may kinalaman sa PDAF scam.

Katunayan, ito rin ang ipinahayag ni Atty Raymond Joel Balbuena, ang Field Investigating Officer ng Ombudsman sa kanyang testimonya laban kay Dating APEC Partylist Rep. Edgar Valdez sa 5th division.

Tags: , , , , ,