Propsed P3.76-T na pondo ng bansa sa 2018, pasado na sa final reading sa Kamara

by Radyo La Verdad | September 27, 2017 (Wednesday) | 2696

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa mababang kapulungan ng Kongreso ang panukalang 3-point-seventy six trillion pesos 2018 national budget. Two-hundred twenty three laban sa tatlong ang naging botohan sa panukalang budget.

Kasama na sa final version  ng proposed national budget ang ibinalik na pondo ng Commission on Human Rights, Energy Regulatory Commission at National Commission on Indigenous People.

Ang edukasyon ang may pinakamalaking appriation budget na nagkakahalaga ng 701-point-five billion pesos.

Pangalawa ang Department of Public Works and Highways  na may 639.8 billion pesos, DILG na may 172.3 billion pesos, DOH na may 164.5 billion pesos at DND na may  145 billion pesos.

Hihintayin na lamang ang bersiyon ng senado bago lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang 2018 national budget para ganap na maging isang batas.

 

 

Tags: , ,