Proposed tax reforms ng Duterte administration, posibleng makabigat sa ibang mga sektor

by Radyo La Verdad | August 24, 2016 (Wednesday) | 952

MONORITY
Umapela ang House Minority Group sa Malakanyang na pag-aralang mabuti ang planong reporma sa pagbubuwis.

Ayon kay Albay Representative Edcel Lagman, may posibilidad na hindi ito makatulong sa mga consumer, kung ibababa ang singil sa income at corporate taxes at ang mawawalang revenue ay ipapasan naman sa ibang mga sinisingil na tax tulad ng sa mga petroleum products.

Maging ang planong pag-aalis ng ilang item na nasa listahan ng nasa value added tax o vat exemptions ay tinutulan din ng minorya.

Plano ng administrasyon na bawasan ang personal income at corporate taxes sa 25 percent mula sa kasalukuyang 32 at 30 percents.

Sa naging paliwanag ni Finance Secretary Carlos Dominguez sa pagsisimula ng budget deliberation, bilyong piso ang mawawala kung maipapatupad ang tax reductions.

Paliwanag naman ng Malakanyang, pagtulong pa rin sa mga mahihirap ang layunin ng kanilang planong tax reform.

Samantala, pinag-aaralan na rin ng minority group ang plano rin ng administrasyon na pagbibigay ng rice subsidy sa mga CCT beneficiary.

(Nel Maribojoc/UNTV Radio)

Tags: , ,