Proposed P5.268-T national budget para sa taong 2023, aprubado na sa Kamara

by Radyo La Verdad | September 29, 2022 (Thursday) | 37795

METRO MANILA – Pasado na sa kamara ang House Bill number 4488 o ang General Appropriations Fund para sa P5.268-T proposed national budget para sa susunod na taon.

Matapos ang budget deliberation, tinalakay sa plenaryo ang panukalang pondo ng bawat ahensya ng gobyreno. Isang linggo isinagawa ang nasabing plenary debates.

Una nang na-certify as urgent ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang proposed 2023 national budget, agad na naipasa ito sa mababang kapulungan ng Kongreso.

Muling iginiit ng mga mambabatas sa kamara na ang alokasyon ng pondo ay nakahanay sa layon na mapalago ang ekonomiya, mapalakas ang sektor ng agrikultura, at magkaroon ng mas maraming oporunidad para sa manggagawang Pilipino.

Sa ngayon, ipapasa na ng kamara ang General Appropriations Bill sa Senado. Magsasagawa ng Bicameral conference upang maisaayos ang pagkakaiba ng 2 appropriations bill.

Tags: ,