Proposal na ‘ No garage No Car’, nangangailangan ng masusing pagaaral ayon sa Malacanan

by Radyo La Verdad | September 15, 2015 (Tuesday) | 1311

File photo
File photo

Kailangan muna ng seryosong pagaaral ang panukala ng PNP Higwhay Patrol group na ‘No garage no car’ ayon sa Malacanan.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ang naturang panukala ay naglalayon lamang na pigilin ang pagdami ng mga sasakyang pinaparada sa kalsada dahil wala aniya itong sariling garahe.

Ito ay para na rin aniya huwag ng maparadahan ng sasakyan ang mga major roads at mga alternatibong ruta na isa sa mga nakikitang dahilan ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa kamaynilaan.

Ang naturang panukala ay ipinahayag ni PNP HPG OIC PCSupt. Arnold Gunnacao bago ang isinagawang joint hearing sa Senate committees on economic affairs and public works noong lunes kung saan binanggit din nito na dapat nang ideklara ang lahat ng kalsada na no parking zones.(Jerico Albano/UNTV Radio Correspondent)

Tags: ,