Propesyonal na pakikitungo ng mga otoridad sa mga Chinese illegal worker, inaasahan ni Amb. Zhao Jianhua

by Radyo La Verdad | April 2, 2019 (Tuesday) | 1731

METRO MANILA, Philippines – Iginiit ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua na hindi pinahihintulutan ng kanilang pamahalaan na maghanapbuhay ng iligal sa ibang bansa ang kanilang mamamayan. Ito ang reaksyon ng Chinese envoy sa umano’y dumaraming bilang ng Chinese illegal workers sa bansa.

Kasabay nito ay umapela si Ambassador Jianhua sa Philippine government ng patas na pagtrato sa mga ito nang mag-courtesy call kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa Malacañang kahapon.

“But in the meantime, we would also call on the law enforcement agencies here to deal with this issue professionally. You have to take into consideration the humanitarian needs of those Chinese nationals as we are doing exactly when it comes to Filipinos working illegaly in China.” ani Amb. Zhao Jianhua, Chinese Ambassador to the Philippines.

Bagama’t aminado na posibleng maraming Chinese illegal workers sa Pilipinas, ipinahayag din ni Zhao na may mga Pilipino rin namang nagtatrabaho sa China ng walang kaukulang papeles.

“There are, there is such a problem. And not only there’s problem of Chinese working illegally here in the Philippines, but also there are Filipinos working illegally in China, so we’re handling this in accordance with our respective laws and regulations, and also we’re handling this professionally in the spirit of our friendship and cooperation,” ayon kay Amb. Zhao Jianhua.

Una nang nagpahayag ng pangamba ang ilang grupo sa pagtaas ng bilang ng Chinese illegal workers sa bansa subalit pagtitiyak ng pamahalaan na ide-deport ang mga ito nang naaayon sa proseso.

Samantala, humingi rin ng ayuda si Zhao sa Philippine government na imbestigahan ang possible exploitation aniya ng Chinese nationals sa illegal gambling operations sa bansa. Kaya umapela ito ng kooperasyon sa mga otoridad ng istriktong monitoring sa sitwasyon at mabilisang imbestigasyon at pagpapanagot sa mga responsable dito.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: , ,