Promosyon ni Major General Edmundo Pangilinan at 49 General at Senior officers ng AFP, inaprubahan na ng CA

by Radyo La Verdad | June 10, 2015 (Wednesday) | 2186

AFP
Nabigong makumpirma ang promosyon ni AFP Major General Edmundo Pangilinan dahil sa mosyon ni Senate Majority Floor Leader Alan Peter Cayetano noong March 18, 2015.

Hindi nasiyahan si Cayetano sa paliwanag ni General Pangilinan ukol sa ginawang hakbang ng AFP sa Mamasapano incident noong January 25.

Ngunit kanina inaprubahan na ito ng Committee on National Defense ng Commission on Appointments gayundin ang 49 general at senior officers.

Ipinaliwanag naman ni Commission on Appointments Majority Floor Leader at Congressman Rodolfo Fariñas sa mga AFP official ang kahalagahan ng pagdaan sa commission on appoinments ng mga ipino-promote na mga sundalo.

Samantala, pinayuhan naman ang mga opisyal ng sandatahang lakas ng Pilipinas na manindigan sa rekomendasyon ng kanilang technical working group sa dapat na bilhing mga kagamitan .

Kaugnay ito ng maanomalyang pagbili ng mga helicopter ng Department of National Defense.

Pormal na ring inaprubahan sa plenary level sa huling session ng kongreso ngayong araw ang appointment ni Commission on Audit Chairperson Michael Aguinaldo at Comelec Commissioner Amelia Guanzon.

Tags: , , ,