Proklamasyon sa nanalong presidente at bise presidente, isasagawa mamayang hapon

by Radyo La Verdad | May 30, 2016 (Monday) | 2511

grace_duterte-robredo
Pormal nang ipo-proklama ng National Board of Canvassers mamayang alas-dos ng hapon sina President-elect Rodrigo Duterte at Vice President elect Leni Robredo bilang susunod na Pangulo at Pangalawang Pangulo ng bansa.

Sinabi ni Senate President Franklin Drilon na tatagal lamang ng isang oras ang proklamasyon matapos mag convene sa isang joint session ang mga mambabatas bilang National Board of Canvassers.

Bagama’t hindi naman required sa batas na kinakailangang dumalo ang nanalong kandidato sa araw na kanyang proklamasyon,sinabi ni Drilon na ang hindi pagdalo mamaya ni President-elect Rodrigo Duterte ang unang maitatala sa kasaysayan na hindi dumalo ang nanalong Pangulo sa kanyang proklamasyon.

Samantala, tiniyak naman ng kampo ni Robredo ang pagdalo nito sa nasabing proklamasyon.

Wala namang talumpating gagawin ang nanalong kandidato, base sa tradisyon, itataas lamang ang kanilang mga kamay.

(Meryll Lopez / UNTV Radio Correspondent)

Tags: , ,