Proklamasyon ng mga nanalong Senador at Partylist, itutuloy na Ngayong araw

by Erika Endraca | May 22, 2019 (Wednesday) | 3408

Manila, Philippines – Itutuloy na Ngayong araw ang proklamasyon ng mga nanalong senador at partylist group sa nagdaang May 13  midterm elections.

Ito ay matapos na hindi matuloy kahapon dahil hinintay pa ang certificate of canvass mula sa Washington DC sa Amerika.

Paliwanag ng comelec kailangan nilang hintayin ang transmission ng election returns sa naturang lugar dahil mahigit 200,000 ang botante doon at posibleng makakapekto sa election result.

Nanguna si Senator Cynthia Villar na may mahigit 25 million votes.

Sinundan naman ni Senator Grace Poe na may mahigit 22 million votes .

Pangatlo si Christopher Bong Go

Pang apat si Pia Cayetano

Pang lima si Ronald Bato Dela Rosa

Pang anim si Sonny Angara

Pang pito si Lito Lapid

Pang walo si Imee Marcos

Pang siyam si Francis Tolentino

Pang sampu si Aquilino “Koko” Pimentel

Pang labing isa si Ramon Bong Revilla

At pang 12 si Nancy Binay.

Alas-10 ng umaga ang proklamasyon ng mga nanalong senador . Bawat isang senador ay maaring magsama ng limang bisita. Habang alas-7 naman ng gabi ang proklamasyon sa party-list groups. Gaganapin ito sa Philippine International Convention Center PICC.

(Aiko Miguel | Untv News)

Tags: ,