Proklamasyon na magdedeklara sa CPP-NPA bilang teroristang grupo, nilagdaan na ni Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | December 6, 2017 (Wednesday) | 2482

Pormal nang prinoklama bilang teroristang grupo ng Duterte administration ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, pirmado na ni Pangulong Duterte ang proclamation na nagdedeklara sa CPP-NPA bilang isang teroristang grupo.

Batay sa Human Security Act, maituturing na teroristang grupo ang mga nagtutustos at sumusuporta sa mga gawaing terorismo.

Ang proclamation ay isinagawa kasunod ng formal termination ng peace talks ng pamahalaan sa CPP-NPA-NDF dahil sa sunod-sunod na ambush ng rebeldeng grupo at paninira ng mga ari-arian.

Inatasan naman ni Pangulong Duterte ang Department of Foreign Affairs na i-publish ang deklarasyong ito.

Binigyan na rin ng direktiba ang Department of Justice na magsumite ng petisyon sa korte para i-classify bilang teroristang grupo ang CPP-NPA mula sa pagiging communist rebels.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,