Programang “ligtas byaheng dagat” ipatutupad ng Maritime Industry Authority

by Radyo La Verdad | April 24, 2015 (Friday) | 1162

marina-edited
Ipatutupad ng Maritime Industry Authority o MARINA ang programang “ligtas byaheng dagat” ayon kay MARINA Administrator Dr. Maximo Q. Mejia Jr.

Makikiisa sa naturang programa ang mga lokal na pamahalaan ng batangas, palawan, boracay, at mga syudad ng Dumaguete, Tacloban, Davao, Ilo-ilo, Cagayan De Oro at General Santos upang isulong at obserbahan ang tamang safety measures sa mga board ships at mga motor bancas na nag ooperate sa bansa.

Ito ay sa pakikipagtulungan na rin ng mga MARINA Regional Office o MEROS at mga kinatawan ng Philippines Coast Guard.

Magbabalangkas rin ang MARINA ng mga guidelines at policy upang masiguro ang kaligtasan ng mga bakasyunista.

Base na rin sa may ilang ulat na nakarating sa kanilang tanggapan, may mga bangkang nagsasakay ng 50-100 na pasahero na naglalayag hanggang Puerto Galera subalit walang safety equipment gaya ng mga life vest o salbabida.(Joms Malulan/UNTV Radio Correspondent)